Saturday, June 27, 2009

SINO BA TALAGA SI PED XING?



Sino ba talaga si PED XING?

Dati kasi napadaan ako sa may Roxas Blvd. at nakita ko ung "PED XING" na sign un.  Ano kaya un?

            Kadalasan kasi ang makikita mo sa kalye ay mga pangalan ng mga kilalang bayani na may naitulong sa bayan. Tulad nalang ni Jose Rizal, Andres Bonifacio,  at marami pang bayani na hindi na kasya sa blog na ito. 

mabalik tayo sa PED XING SINO BA TALAGA SIYA?

Tao Ba Siya?

may naitulong ba siya sa PILIPINAS at naka bandera sa kalye ng maynila ang pangalan niya?

isa ba siyang banyaga(foreigner) INTSIK? kasi "XING" ang apelido niya?  at pilipino name na "PED"? ahh.. CROSSBREED siguro siya ng PILINO+INTSIK?

kasali kaya siya sa pilino chinese community naninirahan sa BINONDO? at nag titinda ng tiangge sa divisoria? sa 168?

kamusta kaya siya? ilan taon na kaya siya? kasi napakatagal na niyang naka bandera sa kalsada ng kamaynilaan.

Napakatanyag talaga ni PED XING biruin mo halos sa buong bansa maari mong makita ang pangalan niya dinaig pa niya ang ating pam-bansang bayani na si Jose Rizal.

sana makilala ko si PED XING, mabait kaya siya? mapagbigay? o chickboy din katulad ni Jose Rizal?

by Angel Rose Cadiz - arcadiz22@yahoo.com

1 comment:

  1. ahh..
    un pla ung ibig sabihin ng Ped Xing..
    hehe..
    kala ko street un..

    Mary Anne Bonde

    ReplyDelete